Selebrasyon ng Buwan ng Wika: “Wikang Filipino: Wika ng Pananaliksik”
- Last Updated on October 18, 2018 10:19 AM
“Ang hindi magmahal ng sariling wika, daig pa ang hayop at malansang isda” - Jose Rizal
Ang Chiang Kai Shek College ay nagdiriwang ng taunang pagdiriwang ng buwan ng Wika noong ika-7 ng Setyembre taong dalawang libo’t labing walo na may temang, Wikang Filipino: Wika ng Pananaliksik. Pinangunahan ng departamento ng kolehiyo at ng Senior High School ang nasabing pagdiriwang na iginanap sa Main Campus Auditorium mula 8:00 ng umaga hanggang 12:00 ng hapon.
Nagsimula ang programa sa pagkanta ng Pambansang awit na ikinumpas ni China Urmeneta at pambungad ng pananalita ni Nikki Dawn Lomugdang at Neliza Tragura na nagmula sa organisasyon ng Society of Motivators, Achievers and Responsible Teachers (SMART). Alinsunod sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika ay naghanda ng iba’t ibang patimpalak at natatanging bilang ang mga mag-aaral ng Chiang Kai Shek College.Mula sa Malikhaing Kasuotan papunta sa Balagtasan, lahat ng mga mag-aaral na sumali ay nagpakitang gilas ng mga kakaibang talento! Ngunit hindi lang ang mga mag-aaral ang nagparada ng kanilang kasuotan, pati na din ang ating mga guro ay naghanda din sila ng kanilang mga magagandang kasuotan.
Ang unang patimpalak ay ang Lakan at Lakambini na kung saan nagpakita ng iba’t ibang agaw pansin na kasuotan na gawa sa “Recycled Materials” na dinisenyo mismo ng mga kalahok sa patimpalak mulasa Senior High School. Sumunod ang pagpapakitang gilas ng mga mag-aaral mula sa Senior High School sa larangan nginterpretatibongsayaw.
Sinundan din ito ng pagligsahan sa OPM (Original Pinoy Music) na kung saan nagpamalas ng husay at galing sa larangan ng pagkanta ang mga kalahok mula sa iba’t ibang departamento. Nakamit ni Terrence Yasay ang unang gantimpala ng STEM 12G, pangalawang gantimpala naman si Marc Montero ng JPIA, at nakuha naman ni Zhaeriel Cruz ng STEM 11G ang pangatlong gantimpala. Sa paligsahan naman ng Poster Making, itininanghal bilang unang pwesto sina Klarisse Ang at Jessica Qiu na kapwa mula sa ABM, nasungkit naman nina Felichie Laroya at Katrice Chua mula sa HUMSS ang pangalawang pwesto at nakamit naman nina Karen Ibanez at Christine Avendano mula JPIA ang pangatlong pwesto.
Sumunod naman nagpakita ng iba’t ibang angking talino at husay ang mga kalahok sa Balagtasan na kung saan nagkamit ng unang pwesto sina Altimar Abuji, Al-Jabar Hnadi at Jhia Mae Babaran mula sa departamento ng SMART. Nakuha naman nina Danielle Koengchiat, Jemuel Fernandez at Vanissa Tanlimco na kapwa mula sa JMA ang pangalawang pwesto. Nasungkit naman nina Harris So, Joseph Go at Klaudine Francisco ng Society of Hospitality ang pangatlong pwesto.
Isang matagumpay na pagtatapos para sa mga mag-aaral, mga guro ng Chiang Kai Shek College at sa mga bumubuo nito ang pagdiriwang ng Buwan ng Wika. Malaking karangalan ang inuwi ng mga nagsipagwagi sa mga iba’t ibang patimpalak sa kani-kanilang departamento. Isang bagong karanasan din ang iniwan at tumatak sa bawat mag-aaral ng Chiang Kai Shek College ang pagdiriwang ng Buwan ng Wika para sa taong ito.
Article by: Altimar Abuji